Ating Inang Kalikasan ,Alagaan at Ingatan
Ang kalikasan ay
gawa sa ating panginoon ito’y isang malaking biyaya sa ating mga tao.
Ito’y nagbigay sa atin ng buhay dito tayo kumukuha ng ating pangangailangan. Sa kasalukuyan
ng panahon puno ng pagbabago sa teknolohiya
,siyensya at pati ang moralidad ng mga tao. Malaki
ang epekto nito sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon , noon masagana sa likas na yaman ang ating kalikasan pero ngayon ito
ay talamak na kasiraan dahil sa gawa ng tao.
Ang interakson ng kapaligiran at tao ay mapapatunayan ko ito sa kadahilan ng
kung walang kapaligiran tapos tao lang. Ano pang kaugnayan mabubuo. May
pakikibagay ang mga tao sa kapaligiran dahil dito sila kumukuha ng mga kinakailangan nila sa kapaligiran.
Karamihan dito ay pumapasok na rin ang pangkultural at sa pang
araw-araw na gawain nating mga tao.
Ang mga pangunahing pangangailangan na makukuha natin sa kapaligiran tulad ng ating pagkain
,kasuotan , turismo , at pamumuhay. Ito ay
nasisira na dahil sa ating walang tigil na pagkalat , pagtatapon ng mga basura , pagbubuga ng maitim na usok galing sa sasakyan
at kung anu-ano pa sa kalagayan ng kalikasan natin ngayon tulad nang pagbebenta ng yamang
mineral ng bansa , pagpapatuloy na pagkakalbo ng kagubatan ,
pagtutulak ng maruming plantang karbon , pagbebenta ng mga pasilidad at
yamang enerhiya. Karamihan sa mga tao ay patuloy pa
rin ang pagpuputol ng mga punong kahoy sa kagubatan dahil sa pagtotroso ng walang humpay nakakalbo ang ating kagubatan hindi lingid sa atin na nagkakaroon ng baha
, landslide , at malakas na pag-ulan at
iba pang delubyo na darating sa atin ngayon.
Kapag tuluyang nasira ang ating Inang Kalikasan tayong mga tao ang magdurusa
at malamang magkaroon ng delubyo. Kaya ingatan at alagaan ang ating Inang Kalikasan huwag natin aabusin kapag sila
ay gaganti tayo rin ang mapapahamak at mawawalan. Sana
lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at
hindi matatakasan. Tumulong tayo sa pagpepreserba ng kalikasan para
maiwasan ang anumang kapahamakan sa darating na panahon.