Monday, August 11, 2014

ating inang kalikasan alagaan at ingatan

Ating Inang Kalikasan ,Alagaan at Ingatan 

Ang kalikasan ay gawa sa ating panginoon ito’y isang malaking biyaya sa ating mga tao. Ito’y nagbigay sa atin ng buhay dito tayo kumukuha ng ating pangangailangan. Sa kasalukuyan
ng panahon puno ng pagbabago sa teknolohiya ,siyensya at pati ang moralidad ng mga  tao. Malaki ang epekto nito sa  kalagayan ng ating kalikasan ngayon ,  noon masagana sa likas na yaman ang ating kalikasan pero ngayon ito ay talamak na kasiraan dahil sa gawa ng tao.


Ang interakson ng kapaligiran at tao ay mapapatunayan ko ito sa kadahilan ng kung walang kapaligiran tapos tao lang. Ano pang kaugnayan mabubuo. May pakikibagay ang mga tao sa kapaligiran dahil dito sila kumukuha ng mga kinakailangan nila sa kapaligiran. Karamihan dito ay pumapasok na rin ang pangkultural at sa pang araw-araw na gawain nating mga tao. Ang mga pangunahing pangangailangan na makukuha natin sa kapaligiran tulad ng ating pagkain ,kasuotan , turismo , at pamumuhay. Ito ay nasisira na dahil sa ating walang tigil na pagkalat , pagtatapon ng mga basura , pagbubuga ng maitim na usok galing sa sasakyan at kung anu-ano pa sa kalagayan ng kalikasan natin ngayon tulad nang pagbebenta ng yamang mineral ng bansa , pagpapatuloy na pagkakalbo ng kagubatan , pagtutulak ng maruming plantang karbon , pagbebenta ng mga pasilidad at yamang enerhiya. Karamihan sa mga tao ay patuloy pa rin ang pagpuputol ng mga punong kahoy sa kagubatan dahil sa pagtotroso ng walang humpay nakakalbo ang ating kagubatan hindi lingid sa atin na nagkakaroon ng baha ,  landslide , at malakas na pag-ulan at iba pang delubyo na darating sa atin ngayon.

     


Kapag tuluyang nasira ang ating Inang Kalikasan tayong mga tao ang magdurusa at malamang magkaroon ng delubyo. Kaya ingatan at alagaan ang ating Inang Kalikasan huwag natin aabusin kapag sila ay gaganti tayo rin ang mapapahamak at mawawalan. Sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at hindi matatakasan. Tumulong tayo sa pagpepreserba ng kalikasan para maiwasan ang anumang kapahamakan sa darating na panahon.